My Dream Debut ♡

Alam ko naman na hindi kami mayaman. Alam ko na kahit sabihin ko na gusto ko sa Hotel mag debut ay hindi ako papayagan. Bakit? Kasi mahal. Matagal ko ng pangarap na mag birthday sa hotel. Kaso ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi pede. Unang una, malayo. Balak ko mag Manila Hotel kaso paano naman sila? Mageeffort pa sila masyado. Maabala lang sila.

● Gusto ko nalang sa Resort. Ayoko sa mga club house at mas lalong sa school.

Gusto ko na konti lang yung program tapos derecho na sa swimming yung mga aattend. Kaso yun nga. Alam kong hindi masyado papayagan yung iba tsaka magkakaiba naman sila ng lugar. Baka hindi sila magkasundo lahat :) Kaso may conflict. Gusto ko formal party kaso kung Resort or Swimming, natatakot ako na hindi maging formal yung party ko. Oo alam kong boring. Pero kasi yun na lang yung moment ko. Tsaka I want to limit ng time naman eh. I just want them to spare time for my day.

Oo nga pala. Madami akong gusto iinvite. Yung IJMC Family ko sa Ph2 at Ph3. Yung mga kapwa ko Letranista na ka-close ko syempre. Yung mga taga Church at yung mga family ko sa Manila. Tsaka yung relatives ko sa lahat ng lupalop ng Mundo. Masyadong madami. Sana makapunta sila lahat. Gusto ko sana na ganito, madaming tao sa debut ko. Gusto ko na kumpleto ang lahat. Kaya ayaw ko sana magpa-Cater kase alam kong lilimitahan nila yung aattend. Hay. Bahala na.

Gusto ko sana maging kakaiba yung Debut ko. Sabe ko sa kanila Breakfast party nalang. Kaso tinawanan lang nila. Actually kasi seryoso ako. Gusto ko kasi maging kakaiba yung party ko. Pag tinamaan ako ng kakaibang trip, magdedebut ako sa McDonalds -_-“

♥♡ 18s ♡♥

● Roses
Syempre nakalista na at kumpleto na ang 18 Roses ko. Eto yung mga taong bumuo ng pagkatao ko.
Simula kay Papa, sa mga tito ko, sila kuya at mga pinsan hanggang sa mga kuya ko pang iba, sa nagiisang bestfriend ko na lalaki at hanggang sa Mahal ko, kay Allen.
Sana talaga may escort ako. Pag hindi si Allen ang escort ko, hindi na ‘ko mageescort :|
Tapos ganito. Yung background music ay mahina lang na slow music. Tapos yung bawat dance ay hindi kanta. Yun bang magvo-voice over sila ng message nila for me. Tapos yung nakarecord na message nila yung magpplay habang sinasayaw nila ako na iaaccompany lang ng piano or anything. Edi nakadepende yung haba ng pagsayaw namin yung message nila for me. Awwww. Im so great. Feeling ko maiiyak ako sa sarili kong plano. Hahaha.

● Candles/Blessings not wishes
Dito ko ilalagay yung mga taong gusto ko mag shower ng blessings sakin. Dapat bongga. Pag natawag na lahat ng nasa Candles. Magla-lights out. Magppray sila for me tapos isang kanta ng birthday song sabay blow. Isn’t it amazing? Haha.

● Treasures
Nako mga kawawa ‘tong mga ‘to. Pero I wont ask for expensive gifts. Ang gusto ko lang ay magbigay sila ng bagay na irerelate nila sakin o sa friendship namin. Astig ‘to. Parang ito yung, “Sino si Kim para sayo?” Segment. Hay nakakaexcite.

● Shots
Gusto ko neto kasi gusto ko ilagay si Ate Kaycee sa unang una. Hahaha. Pero hindi ko pa alam kung ano yung magiging part nila sa Maturity. Siguro yung sa 18 shots ay yung mga matured na tapos sila yung mga magaadvice sakin through legality.

Sabe nila gusto pa daw nila ng blue bills. Or ng kung ano ano pa. Bahala na sila magdagdag. Basta ito lang yung gusto ko at hindi pedeng mawala :)

Yung sa Candles, kapag pede gusto ko hindi candles, gusto ko ng sky lantern. Pero sila pa din masusunod kung pede o hindi. Pero sana payagan. I would be very happy. Isa sa mga dream ko ang makakita ng lighters sa sky.

Kaya lang naman ako nagsulat ng ganitong post kasi ngayon palang, April 23, 2014 nagpaplano na sila sa Debut ko. 16 pa nga lang ako. Pero okay na din kasi alam kong magdedebut talaga ako. I have my own plans din naman for my big day.

And ayon sa pagpplano nila. Gusto nilang four or more gowns ang isuot ko all through out ng program. Hahahaha. Bahala sila.

Syempre. I want photo booths padin gaya ng normal debuts.

Yung mga kakilala kong magaling kumanta, kawawa sila. Kasi papakantahin ko sila habang naglalamunan yung iba. Hahahaha.

Theme? Vintage. Gusto ko sana ng Retro kaso masyadong funky. Naalala ko na formal party pala. Mas appropriate ang Vintage. Pag hindi, bahala na. Pag walang maisip, magvviolet lahat. Hahahaha. Any shade para pleasing sa mata ko. Omg! :) Tapos ang pinaka bongga sa lahat ng naiisip ko ay ang red carpet! Yehey. Oo gusto ko na may red carpet tapos may paparazzi. Para feeling artista din yung mga aattend ng debut ko. Tapos mamimili ako ng best photo, best dress at ng kung ano ano pa. Wala lang. Mamimili lang ako. Papasikatin ko sa peysbuk. Tapos yung buong party ko, gusto ko madaming staffs ang magcover, para madaming stolen shots. Tapos yung mga magaganda, ipopost ko sa facebook. Ang cool nun. Na makita ko yung dp nila from my party. Hahaha

Hindi naman ako naghahangad ng isang bonggang party gaya ng inaakala nila. Sa totoo lang, ayaw ko din. Kaya lang sinabi ko na bonggahan kasi madami akong iiinvite at nakakahiya kung ang pupuntahan nila ay isang pipitsuging party. Isa lang naman ang gusto ko eh, yung makita ko ang lahat ng nagmamalasakit sakin, sa araw ng debut ko.

Ay oo nga pala. Bilang ang aattend. Kaya bago ako maglagay ng mga tao sa 18s ko, it’s either pumayag sila na aattend sila or sila yung mga taong hindi pedeng mawala. Magpapaalam naman ako kung papayag sila para masabi kung hindi sila pupunta. I want my debut to be special for those who will treat me as special too. Ayaw kong maging second choice nila yung pagpunta sa debut ko. O pupunta lang sila ng dahil lang sa may invitation sila. I want it to be intimate. Kaya yung mga willing, pupunta. Yung mga hindi, edi hindi. I want my place to be private. Sending tokens counted sa mga nag confirm. Strictly no token, no entry. Yun na din yung give away, yung token na ibibigay ko. Oo mumurahin lang. Baka bracelet lang or pendant. Pero it’s a pass bro. It is necessary.

Hay. Magastos pala yung debut ko. Ito lang naman talaga ang pangarap ko.

Kapag lahat ng ‘to hindi nangyari, or yung celebration na ito. They have to send me to other country for a vacation :’/ Hayyy. Little girl’s dreamy day.

Oo naman at excited ako. Alam kong nahihirapan sila na maglagas ng ganun kalaking halaga. Pero they make an effort na maging special talaga ang debut ko. And at some point. Im still blessed to have them in my life.

hplyrikz:

Clear your mind here

hplyrikz:

Clear your mind here

hplyrikz:

Clear your mind here

hplyrikz:

Clear your mind here

meagloriafides:

Something I’m really trying to work on and change. Baby steps..

meagloriafides:

Something I’m really trying to work on and change. Baby steps..

Da peys. #ootn #lightblue

Da peys. #ootn #lightblue

hplyrikz:

Clear your mind here

Foot prints in the sand.

Napaka-common na neto satin. Alam na alam na natin yung storya, kung ano yung dialogue, at kung ano yung ending. Pero worth it naman diba? Kasi ako. Kahit paulit ulit kong nababasa yon. Naiiyak ako sa sobrang pagmamahal. Ang sweet kasi. Sobra.